Guro na yata ang isa sa pinakamahirap na propesyon sa buong mundo sapagkat mag-aalaga ng mga bata at ituturing mong iyo upang maging anak pero pagkalipas ng ilang buwan o taon aalis sa iyo at magkakaroon na ng sariling buhay, iilan lamang ang babalik at ilan ay makakalimot na.
Isa akong Guro... at oo pinagmamalaki ko na isa ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ng mga bata upang matuto hindi lamang sa mental pati sa emotional at ispiritwal na aspeto ng buhay nila... Ang graduation ay parang isang ritwal ng pagtatapos, kung sa bagay maari ka naman mabuhay at magtagumpay kahit hindi ka nag martsa sa gitna at kunin sa entablado ang iyong diploma... Maraming bata ang natutuwa sa papalapit na okasyong ito, para sa kanila ito ay pagkawala sa hawla ng paaralang pinagkulungan ng ilang mga taon, para naman sa iba ito ay hudyaty ng bagong buhay na tatahakin upang magtagumpay..
Ano nga ba ang graduation sa isang guro... Para sa aking sariling pananaw ang graduation ay isa sa pinakamasaya at malungkot na bahagi ng buhay naming mga guro.. Masaya dahil nakikita mo na nagtagumpay ang iyong mga anak at nakita silang nakasuot ng toga hindi ka man nila kilala pero alam mo minsan sa buhay nila nakasama mo sila pinagalitan , sinigawan, nakipagtawanan, pinahirapan sa mga aralin atbp.. masayang makita na ang dating bata ay ngayo'y sasabak na sa tahakin ng pagiging matanda... Masaya na makita mo na may natutunan sila kaya sila nasa entablado at kinukuha ang kanilang diploma...
Malungkot sapagkat mahihiwalay na sa iyo ang mga anak mo tulad ng isang tunay na magulang na lumuluha sa tuwing aalis sa tahanan ang kaniyang mga anak tinitiis ang sakit ng paglisan dahil alam mo na sa kanilang pag alis ay nakasalubong sa kanila ang tagumpay..
Ang graduation ay panahon din ng pagtatapos ng isang guro, panahon na makikita mo ang iyong bunga mga supling na nasa entablado, panahon na napatunayan mo na isa ka ngang guro dahil nakapagpatapos at nakapagbigay ka ng kaalaman sa mga batang suot suot ang kanilang mga toga... Kung proud ang isang ina sa kanilang mga anak o ang mga mag-aaral sa kanilang pagtatapos higit ang kasiyahan ng guro sa mga panahong ito.. Sapagkat napatunayan niya na isa siyang alagad ng edkasyon..
Graduation ay isang simula sa isang guro panibagong mag-aaral ang kaniyang aarugain at tuturuan sa susunod na taon, tutulungang hubugin hindi lamang ang kaisipin maging ang pagkatao.. panibagong hamon na kung saan panibagong iyakan sakit ng ulo ang mararanasan, pero sa kabila ng mga iyon ay isang matinding pagmamahal ang mararanasan mula sa mga bagong anak...
Ngayong nagsipagtapos na ang mga kabataang naging bahagi ng aming buhay, nawa'y alam nila na hindi lamang sa sarili nilang sikap ang dahilan ng kanilang tagumapay, nariyan ang kanilang mga guro na sumuporta at naging ina o ama nila habang nasa paaralan.. Nawa'y hindi nila limutin ang mga guro nila, sana balang araw puntahan nila ang matandang guro nila na nakaupo sa kanyang lamesa at sasabihing "IKAW ANG GURONG NAGING DAHILAN NG BAWAT TAGUMPAY KO SA AKING BUHAY"
-phernie
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento