Dalawampu't pito taon na ako sa mundo at dalawampu't lima dito ay binuno ko ng may kahirapan sa paglalakad. Nakita ko ang bayang lumaki at umunlad. Nakita ko ang bansang Pilipinas na unti-unting nahihirapan sa kanyang kinasasadlakan. Iba marahil ang tingin ng iba sa buhay kesa sa tingin naming may kakulangan sa pisikal na pangangatawan. Nakikita ng ilan na ang ating bansa ay mahirap o di kaya'y maunlad na hindi tulad ng mga nakaraang panahon. Nadarama ninyo ang pagbabago mula sa pinakabagong teknolohiya at instraktura at naliligayahan sa mga pagbabagong ito.
Dito sa Pilipinas kapos sa aming mga may kapansanan ang binibigay na serbisyo ng lipunan. OO nga't narinyan ang maraming pagbabago ngunit sa kasabay nito ay pagliit ng aming mundo sa ating bansa. Ang Pilipinas yata ay pwedeng ikonsiderang Unfriendly Country for the Disabled Person dahil iba ang pagtingin ng tao sa may kapansan dito sa atin, hindi pag-unawa kundi AWA .
May mga programa naman ang ating pamahalaan para sa amin, bigyan naman natin ng kredito ang ginawa nilang pagbibigay ng discount sa mga may kapansan tulad ng mga senior citizen. Malaking tulong na sa amin iyon lalo na't ang iba ay walang kakayahang magtrabaho, ngunit bago ka naman magkaroon ng diskwento kailangan mo pang puntahan ang DSWD o Department of Social and Welfare Development mag apply sa kanila at maglagay ng picture. Kung tutuusin paano maabot lahat ng may kapansanan ito. Iilan lamang ang may alam, at hindi lahat naabutyan dahil hindi naman lahat ay kayang maglakbay papunta sa nasabing ahensiya. Maswerte na lamang ako kaya ko at kahit paano at nakakalakad ako gamit ang mga saklay kaya nakakuha ako nito. magbibigay sa iyo ng ID na nakatype sa isang karton ay ika na ang bahalang maglaminate, ngunit paano kung wala ka na ngang pera at hindi mo napalaminate ito? Minsan naranasan ko na pumunta sa DSWD upang papalitan ang ID ko dahil nasira ito, imbes na maging mabuti ay kung anong kutya at sermon ang inabot ko sa head nila bago niya hinyaang palitan ko ang aking ID, (malaki bang pagod kung magtatype sila ulit ng ID?) OO nga't reponsibilidad ng isang may ID na ipalaminate ito ngunit hindi ba't kung kailangan niya ng bago ay kailangan mo siyang bigyang dahil kailangan niya ito? Sabi pa ng babaeng DSWD "isa lang ID ninyo pag nawala yan wala na panghabang buhay ninyo na yan" ay ganun means tanging yung isang ID lang ang pwedeng magamit at hindi na sila maglalabas?
Disablity Card or Orthopedic card ang ID ginagamit naming may kapansanan upang makakuha ng diskwento sa mga gamot, piling pagkain, restaurants, sinehan, amusement park etc. mga serbisyong tinatamasa na rin ng mga matatanda. bilang mat kapansanan aminado ako na ginagamit ko ito hindi dahil sa gusto ko ang diskwento kundi makakaalwan ito sa gastos na meron ako. Pero limitado lamang ang disability card na ito. hindi mo maaring gamitin sa mga iba't ibang bagay. Isa sa mga minsang nakakainis ay mga food chain kahit kita na nila ang may kapansanan ay hinid nila bibigyan ng diskwento kung walang card, naranasan ko na ito, at halimbawang ikaw ang gagastos at may kasama kang mga bata na wala pang kakakayahang magbayad ay didiskwentuhan nila ay isang order mo lamang at babayaran mo na ng buo ang iba mo pang order para sa mga bata. Sa mga sasakyan naman tulad ng jeep kahit awtomatiko ng nakikita ang kapansanan ay hindi nila parin binibigyan ng diskwento ang mga ito. Lalo na ang mga bus na nakalagay "25 na lang pamasahe" kahit sabihin mo na may kapansanan ka ang sasabihin nila ay fix na ang pamasahe nila kaya wala ng diskwento (kasalanan ba namin may ganyan silang pakulo). Ang iba naman kundoktor o jeepney driver ay kahit nakikita na nila na may kapansanan ay kailangan muna ipagsigawan ng may kapansanan na may kapansanan siya bago siya magbigay ng diskwento (ano ito bulag ba sila?).
Hindi lamang sa mga diskwento ang problema ng mga may kapansanan sa Pilipinas maging ang mga infrastructural nito. Unahin na ntin ang mga nakakalulang MMDA foot bridge, uu nga't marami ang natutulungan ng proyektong ito upang hindi madisgraya sa pakikipagpatintero kay kamatayan. Ngunit ni hindi ito maakyat ng may kapansanan lalo na't kung naka wheel chair siya hindi ba't parang may double standard morality ang MMDA. Ang LRT station, hindi na rin ito friendly sa may kapansanan sa sobrang taas ng hagdan ng walang elevator, pero ang ok dito ay seperated ang mga may kapansanan, matanda, bata at bunti at sandamakmak na taong nagpapatayan sa sikip. May mga building naman na walang elevator hindi ba't pag 4 floors na need na ng elevator?.
MMDA foot bridge na hindi akma sa may kapansanan |
Sa pagmamaneho naman ng sasakyan masayang may laya kaming gawin ito ang malaking problema lamang ay hindi bibigyan ng rehistro ng LTO o LTFRB ang may kapansanan kung ang gamit niya ay ATV o all terain vehicle kahit na ito lamang ang kaya niyang imaneho, dahil sa rason na hindi alam kung ito ay kotse o motor ( ano ito pera pera).
Lubos akong nagpapasalamat sa mga establishment na nagbibigay ng sapat na kalinga sa may mga kapansanan. Mga sangay ng gobyerno na nakakaunawa, at mga tao na may puso sa mga tulad kong may kapansanan. Hindi ako humihingi ng importansiya o lahat ng mga bagay ay ibigay sa amin, ang gusto ko lamang ipahatid sa lahat ng ito ay wag kaming maliitin, may karapatan din kami at nais naming mamuhay ng sapat at normal tulad ng sa iba, yung tipong hindi nalilimitahan yugn tipong nauunawaan hindi kinaaawaan. Pisikal man ang aming kakulangan ngunit hindi ang utak at puso, sana naman mas dumami at mas lumuwag pa ang serbisyo sa tulad naming hindi sapat ang kakayahan sa lahat ng bagay. Sana maabot ng serbisyo ang lahat ng may kapansanan hindi lamang iyong may alam kundi mas lalo na yung walang alam sa mga serbisyong ito. Masaya ako at ilan sa mga serbisyon ito ay nagagamit ko. Pero sana mas akma ito sa may kapansan na tulad ko.
Bayang Pilipinas nawa'y mas maging mapag ampon ka sa aming hindi pinalad sa pisikal na kakayahan.
-phernie