Biyernes, Marso 2, 2012

MAGING MASAYA KA


paano ba masasabi ang salitang masaya
paano ito mararamdaman na ikaw ay maligaya
makikita ba ito sa ating mga mukha 
o kusang lumalabas sa ating mga aura

mahirap sabihin masaya tayo
lalo na't puso mo naman ay nagdurugo
mahirap maramdaman masaya ang puso mo
kung puro paiit at pasakit naman ang laman nito

kung tila lang isang ibon ang mga tao
masaya na sa paglipad kasama ng kanyang balahibo
tulad ng isang isda sa bawat ilog
masayang lumalangoy ng walang kaabog abog

puso ay kusang nagsasalita at nagwiwika
kung ikaw ay malungkot o masaya
hindi mo malilinlang ang sarili mo o ang iba
dahil sa bandang huli lalabas din ang iyong mga luha

sabi nila gawin mo ang mga na magpapasaya sa iyo
pero bakit minsan kung ano ang magpapasaya sa iyo
ay siyang mga dahilan ng pagpatak ng mga luha mo
hindi ba't kay gulo kung ano dapat ang sundin mo

mahirap bitawan ng isang bata ang kanyang lobo
mahirap bitawan ang bangkang papel sa agos ng ilog
mahirap alisin ang damit na ngayo'y hindi na magkasya sa iyo
dahil alam mo na maaring mas magiging malaya ito na malayo sa iyo

kung bibitaw ka gawin mo na ng maaga
mahirap yung lalalim pa humantong na maging makasarili ka
alamin mo na kung hindi ka na masaya
umalis ka na wag kang maging tanga


masaya? paano ka magiging masaya ?
kung ang bawat ginagawa mo ay kapalit ay luha
dahil ba dapat ay ngumiti ka kahit namumublema
at dayain ang sarili habang ang puso mo namamatay na

sabi nila makuntento ka at maging masaya
dahil may dahilan bakit ka hindi naging masaya
may tamang oras para sa iyong nilaan
para ngiti naman sa iyong labi ay mangibabaw

gumising ka na  sa katotohanan 
at alamin ang tunay na kaligayahan
wag hanapin sa mga bagay na hindi ka liligaya
wag pagpilitan kung hindi ka magiging masaya

tumayo ka at lumakad sa buhay na ito
wag kang tuod at maghihintay ng milagro
may laan ang Diyos para sa iyo
ipaglaban at hanapin ang kaligayahan mo

tulad ng isang ibon iwagayway mo ang pakpak mo 
tulad ng isda galawin mo ang palikpik mo
sumunod ka sa nais ng iyong puso
dahil iyan lamang ang makakahanap ng tunay na kaligayahan mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento