Biyernes, Marso 2, 2012

KALYE NG BUHAY


sa kawalan ako ay naglalakbay
tinitignan san papunta ang buhay
madilim makitid at walang kulay
lumalakad ang paa na walang humpay

minsan ikaw ay nakasabay sa paglalakad
puso koy nanabik ng walang katulad
pag-asay sumibol namukadkad
sa piling moy madali akong lumakad

unti-unti parang langit sa kasiyahan
tila wala ng katapusan
kaligyahay walang mapaglagyan
ngunit ito pala ay pangarap lang

nabulag ako sa mga pangako
pagmamahal na iyong inaako
ngunit tila buhay mapagbiro
sa paglalakad akoy iniwan mo

pilit mo sinasabing mahalaga parin ako
ako namay patuloy na naniwala sa iyo
lagi mong pinararating mahal mo parin ako
ngunit parang ikay lubusang naglalaho

ngayoy naglalakad muli ako sa kawalan
magisa tinatahak ang madilim na daanan
sana muli ay makasalubong ulit kita
sa kalye ng buhay kasama kita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento