Martes, Marso 6, 2012

NGITI MO'Y SAPAT NA


tila isang tala sa gabi
milya ang layo sa aking tabi
tulad ng isang panaginip
 ngunit baka magising sa iglip

niyayakap lamang ang unan
kunwari ikaw ang hinahagkan
binabalot ang sarili ng kumot
kunwari init mo saki'y bumabalot

Pag tumitingin sa buwan iniisip ang iyong mga mata
tila isang liwanag sa buhay na kay ganda
hindi alam anong gagawin sa araw na ito
dahil gusto ko lang ang mga yakap mo

kung naiisip mo na hindi kita mahal 
pangako'y puso ko'y hindi magpapagal
patuloy kong patutunayan sa iyo
pagmamahal sa iyo ay totoo

hindi ako magiging perpektong lalaki sa iyo
pagka't hindi garbo ang bulsa ko
sana mapag tiyagaan mo lamang ako
dahil tiyak ko'y buhay koy alay sa iyo

sana sa munting tula kong ito mapangiti kita
sa labi mo'y umukit ang ngiting kay ganda
sa ngit mo lamang akoy sapat na at masaya
puso ko'y panatag sapagka't napasaya kita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento