Biyernes, Marso 2, 2012

TANONG NG PUSO

sino ka ba?
Sino ka nga ba?
Bakit kay bilis mo nakuha
puso kong nangungulila

sino ako?
Sino nga ba ako?
Upang bigyang pansin mo
ang puso kong naghihingalo

anu ka ba?
Anu ka nga ba?
Bakit kay bilis mo nakuha
nakuha mo ang pagtitiwala

anu ba ako?
Anu nga ba ako?
Bakit akoy umaasa sayo
kahit na alam ko
alam ko di ka sakin ng buo

paano na ba?
Paano na ba tayo?
Hanggang dito na lang ba
o paglalaban mo ako

bakit ba?
Bakit nga ba?
Akoy iyong ginaganito
kahit alam mo na kaw ang mahal ko

saan na ba?
Saan na nga ba?
Ang sinumpaang salita
bakit bigla na lang nawala

sana marinig mo
ang tanong puso ko
sana pahalagahan mo
hanggang tumitibok pa para sayo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento